Prediksyon sa 2019: KathNiel, JaDine, LizQuen, AlDub paghihiwalayin

NI:  ROLDAN CASTRO

Inilabas ni Atty. Nick Nangit ang kanyang prediksyon sa showbiz ngayong 2019. Siya ay kilalang spirit questor at celebrity psychic.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang guesting sa Abante Tonite online show na “Showbiz Pamore Tonite.” Ang mga host ay sina Rommel Placente, Rodel Fernando at Mildred Bacud.

Ayon kay Nick, ang showbiz ay nagtataglay ng element of fire. Magdadala raw ito ng prosperity sa Year of the Pig na magsisimula sa February 5. Maganda raw ito para sa industriya ng pelikula at pag-aartista. 60% rin daw sa mga artistang kandidato sa darating na eleksyon ay mananalo. Nasa balag daw ng alanganin ang kandidatura nina Isko Moreno, Sheryl Cruz. Puwedeng manalo, puwedeng matalo.

Miss U crown malabong makuha muli ng ‘Pinas

Pagdating sa Miss Universe 2019, malabo raw na masundan ang pagkapanalo ni ­Catriona Gray unless morena at Pinay na Pinay raw ang ipadala, hindi gaya ni Queen Cat. Posibleng manalo raw ang Pilipinas sa ibang pageant.

Hindi naman eksaktong nakikita niya na magbo-boom ang larangan ng pelikula. Ganoon pa rin siya, susuporta­han pa rin pero hindi rin naman bababa. Magpapatuloy pa rin daw ang mga nakikilala sa ibang bansa.

Hindi pa raw makapagprodyus ng papasa sa tema at treatment na hahakot talaga ng award sa Oscars.

Sharon tatamlay ang popularidad

Ano pa ang nakikita niya sa career ng ibang artista sa taong 2019?
SHARON CUNETA – Medyo hindi magiging maganda for her. Hindi kasi nagtutugma ang Year of the Snake at Year of the Pig.

MARICEL SORIANO – Very good ang year na ito. Mag-i-improve ang kanyang career bilang Year of the Dragon. Maganda ang karma niya.

Nora may balakid

NORA AUNOR – Meron kasing ba­lakid na dapat tanggalin niya kasi ‘yun ang nagpipigil sa kanya. Binigyan kasi siya ng gantimpala na element nu’ng kabataan niya. Ginamit naman niya pero umabot sa puntong hati siya sa pagmamahal at saka sa obsession. ‘Yung pagnanasa ba.. na hindi ko alam kung tao or gamit na dapat putulin niya ang kaugnayan niya para maibalik ang ning­ning niya. Kumbaga, hanggang doon muna ang nangyayari sa kanya. Hinihila siya pabalik, eh.

Lea normal ang career

Kung Year of the Pig siya, hindi rin magiging maganda. Pero hindi naman lahat ng Pig ay hindi maganda itong taong ito kasi depende ‘yan sa dharma at karma mo, eh. Normal lang (ang career) pero puwedeng ma-overcome ‘yun kung marami na siyang kabutihang nagawa.

Sino namang mga artista ang nakikita niyang tataas ang popularity, malalaos?

“Itong mga loveteam na Kath­Niel, JaDine, LizQuen at AlDub, sila ay mas maganda kung maghiwa-­hiwalay muna. ‘Yung magkanya-kanya na solo projects at saka aabangan ang pagbabalik nila, eh. Nagsa-saturate na rin kasi ang…nakikita ko kasi na parang gelatin na naghihiwalay, maganda sa simula pero mas maganda na maghiwalay muna,” saad niya.

Mas kasasabikan daw at makikita ang galing ng bawat isa ‘pag nagsolo.

Maine-Arjo magtatagal

ALDEN RICHARDS – Better sa kanya mag-solo siya. Bigyan sana siya ng project na higit pa du’n sa “Victor Magtanggol” compared sa dati pa niya, noh? At saka mag-separate muna siya kay Maine. Kasi nga Maine Mendoza.. ‘yung kanyang lovelife, e, alagaan niya ang personal life niya kasi ‘yun talaga ang gusto niya. Nauudlot, natatakpan, nasasaktan siya, eh!

Sumagot din ng ‘Yes’ si Nick nang tanungin kung magtatagal sina Maine at ang nali-link sa kanya na si Arjo Atayde.

Vice mananatili ang kasikatan

Mananatili pa rin. ‘Yun nga lang sana mabigyan din siya…kasi parang napapagod na rin. Gusto niya sana bigyan siya ng isang project na hindi beki. Ipakita ang kanyang talent na hindi ‘yung beki na ini-expect natin. ‘Yung magpaiyak siya ng tao na hindi dahil beki siya.
Sinabi rin niya na magtatagal pa ang ­career ni Vice.

Manny alanganing manalo

Kung January siya, puwede pa siyang manalo sa laban niya kasi nga Year of the Dog at Year of The Horse siya. Kung February onwards, medyo hindi ako sure kung kaya pa niya. Kung Year of the Pig na at siya’y Year of the Horse, medyo hindi ako sure na mami-maintain pa rin niya. Again, kung gumagawa pa rin siya ng good dharma, puwede pa ring manalo siya. Good karma.

Coco good karma

Maganda ang kanyang karma. Scorpio pa siya kaya tuloy-tuloy ang kasikatan.

Si Atty. Nick ang nakahula na may pagdadaanan si Tony Labrusca sa pagpasok ng 2019. Sa isang panayam ay pinag-ingat niya sa temper ang hunk actor dahil ito ang ikaka-decline ng kanyang career. ‘Yung pagbagsak ng eroplano, pagkamatay ni Direk Maryo J. delos Reyes ay ilan sa mga prediksyon niyang nagkatotoo.

Sa ngayon, nakikita rin niya na may apat na young actress na mabubuntis, may dalawang couple na maghihiwalay. May gabay rin siya at pinag-iingat ang mga batang aktor dahil merong madidisgrasya sa motor.

Tutukan ang kabuuan ng interview ng “Showbiz Pamore Tonite” sa Abante TNT website, Abante Tonite Facebook page at Abante Tonite YouTube channel.