Preggy Solenn ‘di maawat sa pagyo-yoga

Preggy Solenn ‘di maawat sa pagyo-yoga

Kahit millennial times na, marami pa ring maling akala at mga matandang kinaugalian sa maraming bagay-bagay. Isa sa may pinakamaraming pinagbabawal, sa babaeng magiging bagong nanay.

Ang isa sa mga It Girls at Kapuso leading femme fatales, si Solenn Heussaff, marami ang kinakabahan sa kanyang pag-eehersisyo lalo na nga’t apat na buwan na ang pinagbubuntis ng aktres.

Dahil nga active at nasa wellness path si Mrs. Nico Bolzico, ang pag-eehersisyo ay kanya pa ring ginagawa. Siyem­pre pa, may pahintulot ng kanyang OB-Gyn at tiyak kay Bolzico, ang kanyang physical activities.

Sa kasalukuyan, si Heus­saff ay nag-pre natal yoga uphill walking, running sa indoor gym and a little boxing.

Pahayag ni Solenn: “Bago kayo mag-exer­cise routine, consult your OB-gyn first. Know the pros and cons of the exercises you want to do na in moderation of course.”

Ang pagiging active ‘pag buntis, puwedeng-puwede pala. Kaya si Solenn Heussaff-Bolzico, maintained ang pagiging hot and sexy momma. (Alwin Ignacio)