Premyadong aktor, mahilig sa kabayo at ‘mangabayo’

MAY nakakapuslit na sidelights sa pa­bolosang showbiz event sa bonggang hotel kamakailan.

Ang tsika sa amin, parang lasing din ang isang magaling na aktor na kung anu-ano ang pinagsasabi sa speech nito nang tinanggap ang kanyang award?

Ayon sa kuwentong ipinarating sa amin, ang haba ng sinabi ng premyadong aktor hanggang sa umabot na sa pagbanggit niya ng pagkahilig niya sa mga kabayo na iyun din daw ang ginagawa niya sa kanyang asawa.

Tipong ganu’n ang sinabi na tinapos na lang ng host dahil nandu’n pa naman ang asawa ng respetadong aktor.

Kaya mahigpit na ipinagbabawal ang media o TV coverage sa loob ng ballroom ng hotel dahil luma­labas ang pagwawala ng ilang artists.

Pero kahit anong pagko-control at pagtatago, sisi­ngaw at sisi­ngaw pa rin.

Kaya si­guro sa susunod na event nila, dapat na maging maingat na at mas mahigpit na rin sa mga artists para walang pagkakalat o gulo na magaganap.