SIKAT na actress/comedienne/host, ang daming awards…
From television to movie, pinagreynahan niya. Pero sa bahay, siya ang nanay at asawa.
Sandamukal na awards at citations ang natanggap niya, kaya tama lang na siya’y pagpugayan.
Mapagbigay, matulungin at madaling lapitan si ate. Kaya babae man o lalaki, badidang o tomboyita, idolo siya.
Pero bakit lately, mainitin ang ulongapo ni ate?
Mabilis siyang magpalit ang mood – from happy to mataray.
Mahirap din siyang pakibagayan minsan. Tinotopak.
Hindi naman siya nagme-menopause.
Ang friends at co-workers niya, iniintindi na lang siya.
Pero maiintindihan kaya nila na sa isang miting na pinuntahan ni aktres, nagulat ang lahat ng naroon?
May gustong magpa-picture sa kanya. Nang nilapitan si ate, say niya, magre-retouch muna siya.
May isa pa na ganoon din, gustong magpa-picture.
Ang chika ni ate, wait. Hindi pa siya tapos mag-retouch.
Nang maayos na ang make-up ni ate, bigla siyang umalis at dinedma ang mga utaw sa paligid.
Tinginan ang fans na naghihintay. Hindi sila nakapagsalita.
Tinanaw na lang nila si actress habang papalayo ito.
AIAI DE LAS ALAS. baka me LQ lng sila ng bata niyang juwa kaya ganun