Premyo sa Best float ng MMFF hatiin sa walo

Marami ang nanghinayang sa sinapit ng mga float sa Metro Manila Film Festival kahapon na ginanap sa Parañaque.

Nasira ang plano sa parada dahil sa ulan. Pati ang mga ginastusang float na nagkakahalaga umano ng P300,000 hanggang kalahating milyon ay nalusaw lamang dahil nabasa ang mga dekorasyon.

Gumamit pa ng towing trucks para maiahon ang mga float sa kalsada.

Pero hindi ito naging hadlang dahil umarangkada pa rin ang parade.

Paano raw pipiliin ang Best float sa pangyayaring ito na nasira ng ulan ang iba? May suggestion na walang papanaluning Best Float sa awards night. Hatiin na lang daw ang premyo sa walong entries.

Maging si Direk Paul Soriano ay nakapagbitaw ng ‘it’s unfair’ habang nag-uusap sila ni Direk Joel lama­ngan dahil nasa putikan ang float ng pelikula nilang “Mary Marry Me” at “Rainbow’s Sunset”. Nadismaya umano sila sa pangyayari.

May mataray namang komento sa isang Facebook account . ‘May namatay ba sa kwento ng #MaryMarryMe? Mukhang karo ng patay ang float nila! kalerQUI! #MMFF2018.”

Bukod tanging ang float ng ‘Fantastica’ ang hindi nabalahaw at nauna sa parade.

Ang iba naman artista ay stranded sa coasters.

Nagsimulang umusad ang parada bandang 2:30 PM.

Maging si Vice Ganda ay nalungkot dahil nakita niyang basang-basa ang mga tao at mga na naghihintay sa parada.
Naglakad naman sina Jessy Mendiola at Jericho Rosales dahil naipit na sila sa traffic.

Ang walong official MMFF 2018 entries ay Fantastica; Jack Em Popoy: The Puliscredibles, Mary, Marry Me, Aurora, The Girl In The Orange Dress, Otlum;, Rainbow’s Sunset at One Great Love.

Samantala, nag-coverage sina Ronaline Avecilla at Athena Yap ng Abante sa kabuuan ng parada. (Roldan Castro)