Prenup agreement nina Sarah-Matteo ginigiit ni Mommy Divine

Dapat na siguro magsalita ang mommy ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine para maipagtanggol ang kanyang sarili. Samu’t sari ang mga ibinabato sa kanya na kesyo nag-iinarte umano ito at hindi nagku-cooperate sa wedding preparation ng anak.

Ang isa pang akusasyon kay Mommy Divine na kesyo gusto umano nito na magkaroon ng prenup agreement sa pagitan nina Sarah at Matteo,bagay na pinalagan umano ni Sarah. Kung totoo man ito, insulto nga naman ito kay Matteo at sa kanyang pamilya lalo pa’t may sinasabi ang pamilya ng singer-actor at entrepreneur sa Cebu. Sabi nga ng aming kaibigan, mas mayaman di hamak ang pamilya ni Matteo kesa sa pamilya ni Sarah. Pero hindi naman ito issue sa engaged couple dahil ang tunay na mahalaga sa kanila ay ang kanilang pagmamahal at respeto para isa’t isa maging sa kanilang respective families.

Ang nakakalungkot lang, Sarah did everything for her family at naging masunuring anak to the extent na madalas mag-suffer ang kanyang lovelife dahil umano sa pakikialam ng kanyag ina. Mabuti nga raw ay hindi nagrebelde si Sarah when she turned 18 or 21 pero sa edad na 31. Hindi na dapat pinakikiaalaman pa si Sarah sa kanyang mga desisyon.

Sa halip na pahirapan ni Mommy Divine si Sarah, maging supportive na lamang ito sa kanyang anak at mapapangasawa nitong si Matteo.

Samantala, may lumalabas ding balita na sa ibang bansa magpapakasal sina Sarah at Matteo pero wala pang kumpirmasyon hinggil dito.

Bela kaliwa’t kanan ang pelikula

Pagdating sa paggawa ng pelikula sa taong ito, wala na sigurong makakadaig sa actress-writer si Bela Padilla .May limang pelikula na pinangunahan ng palabas ngayon sa mga sinehan, ang “On Vodka, Beers and Regrets” na patuloy na pinipilahan sa takilya magmula nang ito’y magbukas sa mga sinehan nung February 5. Ito ay ang balik-tambalan nila ng kanyang favorite screen partner na si JC Santos.

Nariyan pa ang local remake ng Korean movie in 2011, ang “Spellbound” na pinagtatambalan nila ni Marco Gumabao. May mga eksenang kinunan pa sa South Korea.

Masaya namang lumipad muli si Bela patungong South Korea para simulan naman ang pelikulang “Ultimate Oppa” na kung saan ang Korean actor na si Kim Gun-Woo ang kanyang kapareha. Ito’y pinamamahalaan ni Jade Castro at co-venture ng Viva Films, Reality Entertainment at ng Korean film company na BJ Song of Group 8.

Nasa line-up na rin ang part 2 ng “100 Tula Para Kay Estela” na muli nilang pagtatambalan ni JC Santos at muling ididirek ni Jason Laxamana. Malamang na isali ang nasabing pelikula sa ika-apat ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) kung saan nanguna ang part 1 ng movie nina Bela at JC sa unang taon ng PPP in 2017.

Since Pebrero pa lamang, malamang na hindi lamang lima ang gawing pelikula ni Bela sa taong ito.