Napipintong maudlot ang magiging paghahanda ng three-peat men’s basketball champions Ateneo Blue Eagles para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 dahil sa coronavirus pandemic.
Sa panayam ng Inquirer.net kahapon kay Ateneo de Manila University team manager Christopher John Quimpo, magti-training camp ang koponan sa Serbia, kakatawanin ang bansa sa Jones Cup sa Taiwan, at sasali rin sa isang Australia pocket tournament bago sana ang pagdepensa ng titulo sa UAAP.
Bamaga’t hindi pa tukoy kung matutuloy o mauudlot dahil sa pandemic crisis, ipinunto naman ni Quimpo na may daily training routines na sinusunod ang Blue Eagles habang nakataas ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Iginiit din ng opisyal na kahit bawiin na ang quarantine sa susunod na buwan, kailangan pa rin nilang suriin ang kondisyon sa mga bansang kanilang pupuntahan.
Hangad man ni Quimpo na manumbalik na ang lahat sa sports, mas panalangin pa rin niya ang kaligtaasan muna ng lahat sa paglaho na ng COVID-19.