Mangiyak-ngiyak si Pangulong Rodrigo Duterte nang kausapin nito ang isang sundalo na nabulag ang dala­wang mata nang sabungan ng Improvised Explosive Device (IED) sa isang clearing ope­rations laban sa mga rebelde sa Maguindanao, nang dumalaw ito kahapon sa V. Luna Hospital.

Inabot ng halos ng tatlong oras si Pangulong Duterte sa pagdalaw nito sa may 69 wounded soldiers sa Heroes Ward ng AFP hospital kung saan isa-isa nya itong kinamayan, kinausap at binigyan ng pinansyal na tulong.

Nang makapanaya­m ng Pangulo si 1st Lt. Jerome Jacuba, ay hindi napigil ni Pangulong Duterte na maging emosyonal lalo nang yakapin siya ng sundalo.

Si Jacuba na agad na-promote mula sa 2nd lieutenant dahil sa pakikipagla­ban nito sa mga rebelde ay nabulag nang masabugan ng IED sa clea­ring ope­rations ng AFP sa mga rebelde sa Barangay Tee, Datu Salita Maguindanao noong Marso 2.

Ayon kay Major William Recuenco, isa sa attending physician ni Jacuba, pumasok ang sharpnel sa retina ni Jacuba at nang operahan ito ay hindi na naisalba ang kanyang kanang mata habang ang kaliwa ay nagkaroon na lamang ng light perception.

Si Jacuba ay may asawa at dalawang anak, isa itong degree holder at pumasok sa AFP sa pamamagitan ng Regular Officer Course.