Muling inulan ng ‘boo’ si US president Donald Trump tapos niyang dumalo sa UFC fight na ginanap sa New York City.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na binulyawan ang 73-anyos na presidente pagkaraan nang sa 150th Major League Baseball 2019 Worls Series baseball game nitong nakaraang linggo lang.
Makikita rin na may dala-dalang placards at slogan mula sa mga fan na may nakapaskil na “Trump/Pence Out Now!” at “Headlock Him Up”.
Manok ni Trump si Gregor Gillespie at ito ang dahilan kaya siya nanood nang laban upang ipakita ang suporta sa 32-anyos na fighter.
Kasama rin niyang nanood sa Madison Square Garden Arena na may 20,000 seat capacity ang kanyang dalawang anak na sina Donald Jr. at Eric. (Aivan Episcope)