Walang kaduda-duda, ang South Korean boy band na BTS ay nasa peak ng kanilang kasikatan ngayon – not only in Korea but globally popular.

Sa August pa ng taong ito magsisimula ang grupo para sa kanilang ‘Love Yourself: World Tour’ concert sa 21 cities sa buong mundo, pero ang ticket sa naturang world tour ay sold-out na halos. Kaya naman ‘yung iba na talagang gustong manood pero hindi maagap na nakakuha ng tickets ay nahihirapang maka-secure.

Ayon sa report ng Metro, ang mga Army (tawag sa mga BTS fan) sa United Kingdom ay wala na halos mabiling ticket. Naka-schedule ang BTS na mag-concert sa London sa October 9 & 10 pa. Nang mag-open ang pag-purchase ng ticket, minuto lang ang itinagal nito ay sold-out na!

Makakabili na lang daw ngayon sa ilang resale sites na ang halaga ng ticket naman ay sampung doble ang mahal sa orihinal na presyo nito. Narito ang orihinal na presyo at sa resale sites. Mula sa £62.50 (83 USD) to £160 (214 USD) general admission, sa VIP ay £220 (294 USD). Pero ngayon, naka-sale sa resale sites for over £1,000 (1,335 USD) o umaabot pa raw ng £1,950 (2,603 USD) para naman sa VIP.

As in, “devastated” nga raw ang mga Armys sa UK dahil sa kamahalan ng ticket at umaasa silang ang agency ng BTS, ang Big Hit Entertainment ay mag-a-announce pa ng additional date ng concert.

Sa isang banda, napaka­tindi talaga ng popularidad ng BTS ngayon. Ang presidente ng South Korea na si Moon Jae-In ay nagpahatid na ng personal niyang pagbati sa grupo dahil sa naitala nitong record. Ang grupo lang naman ang kauna-unahang K-pop act ever to top the Billboard 200 chart with its ‘Love Yourself: Tear’ album. At sa loob naman ng ilang araw lang, ang bagong ­single nila na ‘Fake Love’ hit the Billboard Hot 100’s Top 10.