Preso sa Batangas naglaho na parang bula

Naglahong parang bula sa Lemery Municipal Police Station ang 45-anyos na si Rodel Garcia ng Barangay Ayao-Iyao, Lemery, Batangas na umano’y kagagaling sa inquest proceedings sa Provincial Prosecutor’s Office, Pallocan West, Batangas City.

Sa ulat na nakalap ng Abante TONITE sa Batangas Police Provincial Office, alas-3:30 ng hapon kamakalawa ng makabalik sina PO3 Omar Garcia Salanguit at PO2 Eugene Coro Reyes kasama ang detainee mula Sa Prosecutors Office pero hindi umano nai-turn over si Garcia kay PO3 Ian Chavez na nakatalagang jailer.

Nang magsagawa ng headcount ay natuklasang wala ang suspek na napag-alamang dalawang araw pa lamang nakapiit matapos madakma sa drug-bust operation.