Preso sinuntok ng kakosa dahil sa alikabok

Nagkagulo ang mga preso at dumanas pa ng sakit ng katawan makaraang magsipag ang isa nilang kapwa bilanggo at nilinis ang pader ng selda ng Metro Bacolod jail male dormitory.

Imbes na magdulot ng ginhawa ang ginawang paglilinis ay naperhuwisyo naman ang isa nilang kakosa makaraang pumasok sa kanilang selda ang alikabok na dulot ng paglilinis ni alyas Totoy.

Bunga ng insidente ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang selda na nauwi rin sa pakikisawsaw ng mga inmate sa kabilang selda.

Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa nangyaring gulo. (Vick Aquino)