Presyo ng bottled water, sabon, shampoo sisirit sa tag-init

Asahan ang pagtaas sa presyo ng bottled water, fruit juice at iba pang produkto katulad ng sabong pampaligo at shampoo dahil na rin sa inaasahang paglakas ng demand nito sa merkado dahil sa tag-init.

“Bottled water and drinks as well as fruit juices are some of the items that will be in demand for this summer season,” pahayag ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. (PAGASA) president Steven Cua.

Dahil dito, hiniling ng asosasyon na i-monitor ng Department of Trade and Industry (DTI) ang galawan sa presyo ng mga nasabing produkto.

“Pricing products is basically a ma­nagement issue for supermarkets. They will do this if there is an increase in the demand of certain products in order to sustain their profitability,” ayon kay Cua.

Bukod sa tag-init, tinitingnan din ­aniya ng supermarket industry ang pabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado na mayroong malaking epekto sa transportasyon ng mga produkto katulad ng prutas at gulay sa mga supermarket.

“Ang mahalaga ay kailangan itong bantayan na ‘di ito gaano makaapekto sa kinikita ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Cua. (PNA)