Magtataas ngayong buwan ng Marso ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco).
Ito ay bunsod ng isasagawang shutdown sa Malampaya power plant na isasailalim sa maintenance.
Ayon sa pamunuan ng Department of Energy (DOE), posibleng nasa P1.20 kada kilowatt hour ang madagdag sa singil sa kuryente.
Sa panig naman ng Meralco, sinasabing sasailalim pa sa masusing validation kung magkano talaga ang idaragdag nilang singil sa kuryente.
Ayon kay Joe Zaldarriga, tagapagsalita ng Meralco, patuloy ang kanilang payo sa publiko na ugaliing magtipid sa paggamit kuryente.
Samantala, sa susunod na buwan ay maaari pang makaranas ng mas manipis na reserba sa kuryente bunsod pa rin ng Malampaya shutdown.
Nauna nang inihayag ng DOE na sa Pebrero 13 hanggang 17, 2017, maaaring magtaas ng yellow alert dahil magiging manipis ang reserba sa kuryente.