Presyo ng langis pinaglalaruan!

motorista-ismael-amigo

HINDI na talaga mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis. ­Halos ­araw-araw ay may ­adjustment.

Galing kami ng pa­milya ko sa Sto. Tomas, Batangas nitong weekend na nakalipas, hayun, mapapansin mo ang iba’t ibang presyo ng langis.
Siyempre nangunguna riyan ang mga gasolina­hang may pangalan gaya ng Shell, Caltex, Petron at Total.

Pababaan naman ang new players na gaya ng UniOil, Phoenix, Zebron at Clean Fuel.

Pumalo sa P48 kada litro ang sa Petron at mga katropa nito habang ang newbies naman ay lumalaro sa pagitan ng P43 hanggang P47.
Sa pakiwari ng ibang motorista ay para bagang pinaglalaruan na lamang tayong lahat ng mga fossil fuel supplier.

Hindi kasi talaga masawata ang demand for supply kung kaya’t ever fluctuating ang presyo ng langis.

Mataas ang demand ng consumers kung kaya arya nang arya si presyo, wala rin namang magawa ang consumers dahil kailangan nila ito.
Ang paraan na lang siguro nito ay motorpool lalo na sa mga village na nasa malayo at kunwari ay iisa naman ang papasukang area ng opisina.

Para-paraan na lang ‘yan dahil hindi kayang diktahan ng alinmang pamunuan ang presyo ng langis sa world market.

Kapag bumaba na ang demand for supply, wala ring magagawa ang oil producers kundi babaan nila ang presyo nila. Law of supply and demand pa rin.
To God be the glory.