Nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo kaninang hatinggabi, Setyembre 1.
Sa anunsyo ng Petron Corporation, kaninang alas-12:01 ng hatinggabi nagtaas ito ng P2.74 sa presyo kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P30.14 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito.
Bukod dito, tinaasan din ng Petron Corporation ng P1.53 kada litro ang presyo ng kanilang Xtend Auto-LPG na ginagamit sa mga taxi.
Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya tulad ng Total sa kaparehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.
Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.