Inanunsiyo na ng ilang kompanya ng la­ngis ang pagtatas nito sa presyo ng kanilang produktong petrolyo simula alas-sais bukas, Disyembre 11.

Sa anunisyo ng Shell, Seaoil at Petro Gazz, P.40 ang madaragdag sa kada litro ng gasolina habang P.10 naman ang mababawas sa kada litro ng diesel.

Ayon sa Shell, SEAOIL at Petro Gazz, P0.40 ang kanilang idadagdag sa kada litro ng gasolina habang P0.10 naman ang iba­bawas sa kada litro ng diesel habang bababa din ang kerosene sa P.45 kada litro.

Kasunod ito ng naging desisyon ng mga bansang kasapi sa Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) at 10 iba pang bansa na producer ng langis, na magbawas ng produksiyon na aabot sa 1.2 milyong bariles kada araw upang solusyunan ang pagbaba sa presyo ng langis.