Muling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis na epektibo ngayong umaga, Oktubre 4.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell ang pagtaas ng P0.35 kada litro sa gasoline, P0.40 kada litro sa ke­rosene, habang P0.60 naman sa diesel na epektibo ngayong alas-sais ng umaga.

Sa ipinadalang text massages ni Ina Soriano ng Pilipinas Shell, ang bagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan naman na susunod ang iba pang kumpan­ya ng langis na kahalintulad din ng oil price hike na ipinatupad ng Pili­pinas Shell.

Magugunitang huling nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpan­ya ng langis noong Set­yembre 27 ng P0.25 kada litro sa presyo ng gasoline, P0.30 sa kerosene at P0.25 naman kasa litro sa diesel.

3 Responses