Presyo ng real estate sumipa sa POGO

Presyo ng real estate sumipa sa POGO

Itinuturong dahilan ng pagsipa ng presyo ng lupa at iba pang real estate sa Pilipinas ang pagdagsa ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ayon kay David Leechiu, CEO ng Leechiu Pro­perty Consultants, nasa pinakamahal ngayon ang presyo ng lupa, condo, warehouse at opisina sa bansa.

Aabot umano sa P600,000 per square meter ang presyo ng condominium unit ng Horizon Homes at The Estates o kapareho lamang ng halaga ng maliit na kotse.

Mas mahal din umano ito kaysa sa lupa sa Forbes Park at Dasmariñas Village sa Makati City na nasa P350,000 hanggang P350,000 per square meter.

Isa pang dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga condominium ngayon dahil pwede itong ibenta kahit kaninong dayuhan tulad ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa mga POGO.

Nabatid na pinagbabawal sa Konstitusyon ang pagbenta ng lupa sa mga dayuhan kaya’t hindi sumisipa ng basta-basta ang presyo nito.
“Real estate values have seen all time highs across all sectors in 2019,” sabi ni Leechiu.

Dagdag pa rito, nasa 3rd largest office space market sa mundo ang Pilipinas dahil sa mga POGO, matapos makabenta ng 1.2 million square meters ng office space noong 2018 at lalo pang magmamahal ang renta dahil malaki pa rin ang demand.

Dahil kinakailangan din ng tirahan ang mga manggagawang dayuhan, nagmahal din ang presyo ng mga condo.

Nalaman din na lamang pa ng mga nagpaparenta ng condo para sa mga Chinese dahil dalawan­g taon ang advance ng bayad ng mga ito.

Aminado si Leechiu na mas mahihirapang maka­bili ng tahanan ang mga nangangailangan ngayon dahil sa presyo.

Aniya, kung hindi ito afford noon, mas mahihirapan daw ngayon. (Eileen Mencias)