Presyo ng sardinas magmamahal

Nakatakdang tumaas na naman ang presyo ng sardinas matapos aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng mga manu­facturer.

Sisimulan ito sa Disyembre 5, base sa naganap na pagpupulong ng DTI at ng mga manufacturer ng sardinas hanggang sa napagkasunduan ng mga ito na magdagdag sa presyo.

Ayon kay Marvin Tiu Lim, presidente ng Canned Sardines Association of the Philippines, ang dagdag na presyo ay maglalaro sa P0.50 hanggang P0.80 sa bawat delatang sardinas at magi­ging epektibo sa Disyembre 5.

Nabatid pa kay Lim na sa taong 2019 ay posibleng hindi na magtaas ng presyo ng sardinas kapag nagtuloy-tuloy pa ang oil price rollback.