LITO OREDO
Magaganap sa bansa ang isang torneo ng electronic sport na preview o halos singkatulad sa pagho-host ng bansa sa 30th edisyon ng Southeast Asian Games sa darating na Nov. 30-Dec. 11.
Ito ay dahil magtutungo sa bansa ang pinakamagagaling na manlalaro sa rehiyon ng Silangang Asya sa eSports sa pagsabak sa malaki at inaabangang torneo sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup na idaraos sa June 19-23 sa may 20,000 kapasidad na Araneta Coliseum.
Isa lang ang Mobile Legends: Bang Bang sa anim na game titles na paglalabanan sa isasagawa sa una lang na pagkakataon sa kada dalawang taong multi-sport meet.
Kabuuang 12 koponan mula sa siyam na bansa sa Southeast Asia ang magkakasubukan na tanging ang gamit ay cellphone. Gayunman, inaasahang magiging maigting at kapana-panabik ang torneo dahil sa masusukat ang husay ng mga Pilipino.
Ilan lamang sa koponan ng Pilipinas tulad ng BREN ESports, TNC at Mineski Infinity ang inaasahang mga sasabak para sa prestihiyosong titulo.
Kumpirmado ng lalahok ang Onic Esports at Louvre Esports mula Indonesia, na nag-1st at 2nd place winners sa MPL-ID Season 3, at ang mula Malaysia na Geek Fam at Singapore’s EVOS Esports SG, na naging 1st at 2nd place naman sa MPL-MY/SG Season 3.
Lahat ng mga kasali ay tinanghal na kampeon sa kani-kanilang Mobile Legends: Bang Bang Professional Leagues (MPL) tulad sa Pilipinas, Indonesia, Myanmar, Malaysia at Singapore. Isasagawa naman ang qualifying meet para sa panabak ng Thailand, Vietnam, Laos at Cambodia.
Unang dinaos ang MSC 2019 group stage draw noong June 4 para malaman ang grouping ng mga kalahok bago ang group stage elimination sa June 19-20. Ang playoff at finals ay sa June 21-23.
Habang gaganapin sa bansa ang isa sa paglalabanang laro sa eSports sa SEA Games, bakit kaya wala man lang mga impormasyon hinggil sa sa mga magiging miyembro ng pambansang koponan at maging ang asosasyon na dapat na mamahala sa torneo.
Makikibalita pa po ako sa kinauukulang ahensiya?