‘Price freeze’ sa mga basic agri product pinalawak ng DA

Pinalawak pa ng Department of Agriculture (DA) ang saklaw ng ‘price freeze’ sa mga piling produktong agrikultrura bilang tugon sa nararanasang krisis dala ng COVID-19 sa bansa.

Base sa administrative circular na nilagdaan nitong April 13, inaprubahan ni Agriculture Secretary William Dar ang mga ‘suggested retail price’ (SRP) sa mga basic agricultural at fishery commodity.

Ang presyo ng milkfish o bangus ay nagkakahalaga ng P162/kg; Tilapia-P120/kg; Roundscad o Galunggong-P130/kg; Pork (Pigue/Kasim)-P190/kg; Pork (liempo) – P225/kg; Whole Chicken-P130/kg; Sugar (refined)-P50/kg; Sugar (brown)- P45/kg; Red onion- P95/kg; Garlic (imported)-P70/kg habang ang local garlic ay nagkakahalaga ng P120 kada kilo.

Kabilang rin sa sinaklaw ng ‘price freeze’ ang iba pang agricultural product gaya ng bigas, itlog, at cooking oil o mantika.

Ang presyo ng rice (imported): Special – P51; Premium – P42; Well-milled – P40; Regular – P39; habang ang – local rice na Special – P53; Premium – P45; Well-milled – P40; Regular – P33; NFA rice, regular-milled – P27; Chicken egg (medium) – P6.50/piece; Cooking oil (30ml) – P24 at Cooking oil (1 liter)- P50.

Ang `Kadiwa’ mobile market ng departamento ay magtutungo sa mga mahihirap na komunidad sa Metro Manila, upang direktang makabili ng mga ‘fresh-produce’ mula sa mga magsasaka sa abot kayang halaga.

“The informal settlers are there, and because they cannot really go to supermarkets much more under enhanced community quarantine,” dagdag pa ng kalihim ng DA. (Dolly B. Cabreza)