Price freeze sa pagkain inutos ng DTI

Magpapatupad ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa lahat ng basic necessities samantalang nag­lalatag ng action plan si Agriculture Secretary William Dar kung paano masesegurong may sapat na pagkain sa bansa.

Ang price freeze ng DTI at ang pagtiyak na may suplay ng pagkain sa bansa ay isinagawa matapos magdeklara ng State of Public Health Emergency si Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Inanunsyo ng DTI ang price freeze noong Martes ng gabi ngunit hindi pa naisapinal ang listahan ng mga produktong kasama sa kautusan.

“The prices of all basic necessities are frozen for 60 days following the Proclamation No. 922 declaring a State of Public Health Emergency throughout the Philippines due to the outbreak of coronavirus disease 2019,” sabi sa Facebook post ng DTI Philippines. (Eileen Mencias)