Price rollback sa petrolyo namumuro

May nakaambang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos ang magkakasunod na pagtaas nito.

Sa abiso ng Department of Energy (DOE), inaasahan na bababa ng P0.75 kada litro ng gasolina, P0.55 sa diesel, at P0.90 kada litro naman sa kerosene.

Nabatid sa DOE, na ang nakaambang ‘oil price rollback’ ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Kadalasan ipinatutupad ang adjustment sa presyo ng produktong petrolyo tuwing araw ng Martes.

Nabatid na nitong nakaraang linggo ay nagkaroon ng magkakasunod na pagtaas sa produktong petrolyo.