Prince Harry at Meghan Markle pasabog ang wedding

Friday morning pa lang ang dami ng media people mula sa iba’t ibang bansa at fans ang nag-aabang sa kasal nina Meghan Markle at Prince Harry. Ang Royal wedding ay naganap kahapon (May 19), sa Windsor Castle’s St. George’s Chapel.

Wala ang ama ni Meghan na si Thomas Markle Sr. dahil two days before Meghan’s wedding ay inoperahan sa puso ang ama. Hindi rin ang ina ni Meghan na si Doria Ragland ang naghatid sa altar kundi si Prince Charles, ang father ni Prince Harry. Mag-isa munang naglakad sa aisle ang Royal bride. Wala siyang Maid of Honor, pero pagdating sa second portion ng aisle ay si Prince Charles ang naghatid sa kanya sa harap ng altar. Best Man ni Prince Harry ay si Prince William.

Nag-exchange ng wedding bands ang Royal couple, isang accessory na tinanggihan ni Prince William nu’ng ikasal siya kay Kate Middleton year 2011. Tanging si Kate lang ang nagsuot ng wedding ring, Hanggang ngayon ay hindi nagsusuot ng wedding band si Prince William. Hindi raw kasi siya mahilig sa jewelries.

Nakalahad sa Order of Service (kung saan nakadetalye ang programa ng kasal — royal family arrival, selected readings, hymns and songs, as well as the couple’s vows), na ni-release ng royal officials na parehong magsusuot ng singsing ang newly wed Royal couple. Ang singsing ay gawa sa royal stash ng Welsh gold.

Ang music choices ay ang traditional Irish hymn sung by the congregation — to the modern — a gospel rendition of Stand by Me ni Karen Gibson at The Kingdom Choir. May modern touch din ang kanta ni Etta James’s Amen/This Little Light of Mine habang ang Royal couple walk back down the aisle.

Mahigit 600 ang guests sa Royal Wedding kasama na sina Prince William, Kate Middleton and actress Priyanka Chopra. Hindi kasama ang mga world dignitaries tulad ni President Donald Trump pero exempted ang dating prime minister na si John Major, na legal guardian nina Princes William and Harry after mamatay ng kanilang ina na si Princess Diana.
Ayon sa Kensington Palace, ang mga political leaders (U.K. man o international) ay hindi required sa Royal Wedding. Kailangan ang halos lahat ng nasa attendance ay pawang may koneksyon sa bride at groom.

Sa reception guests ay halos 2,000 public members ang nasa listahan.

Dumating din ang mag-asawang George Clooney at Amal, Ellie Goulding, Criselda Bonas, Oprah Winfrey, David Beckham, James Haskell and Chloe Madeley, James Blunt & Sofia Wellesley, Idris Elba, Sabrina Dhowre, Nicholas Soames, singer na si Joss Stone, Tom Hardy, Carey Mulligan with her musician husband Marcus Mumford, Britain’s James Corden.

Andoon din ang close friend ni Harry na si Prince Seeiso ng Lesotho, na nag-establish ng charity na tumutulong sa AIDS orphans, Johnny Wilkinson – star ng England’s 2003 Rugby World Cup at ka-team pati na ang England rugby star na si James Haskell.

Nakita rin ang ex-girlfriends ni Harry na sina Chelsy Davy at Cressida Bonas.

Kinansel ni Elton John ang dalawang shows sa Las Vegas para um-attend sa Royal Wedding.

Ngayong kasal na ang Royal couple ang magiging title ni Prince Harry ay His Royal Highness The Duke of Sussex at ang former actress na si Markle ay Her Royal Highness The Duchess of Sussex. Tradisyon ng male members ng Royal family na bigyan ng title habang ito ay ikinakasal. Bakante ang title na Duke of Sussex.

Si Markle ang unang babaeng nagkaroon ng titulong HRH The Duchess of Sussex. Ang previous Duke of Sussex ay dalawang beses ikinasal, pero hindi ito parehong inaprubahan ng kanyang ama na si George III kaya ang kasal ng dating Duke of Sussex ay unlawful. Hindi puwedeng tawagin na HRH ang kanyang mga naging asawa.