Prince Harry, Markle mas yumaman pa

Mayaman na umano ang mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle kung saan mayroon na umanong tinatayang £19 million networth, ayon sa Money.com.

Ang nasabing halaga ay ipinamana umano ng kanyang namayapang ina na si Princess Diana, kung saan ay iniwanan niya ang kanyang mga anak na lalaki ng ‘three quarters’ ng kanyang £21 million estate.

Kamakailan ay nabig­la nina Meghan Markle at Prince Harry ang buong mundo nang ianunsiyo nila iiwanan o bababa na sila bilang ‘senior’ ro­yals, at hahatiin nila ang kanilang oras at panahon sa UK at North America.

Inihayag din ng Duke at Duchess ng Sussex na dahil dito ay kailangan nilang magtrabaho at maging ‘financially independent.’

Si Meghan Markle ay mayaman at may naipon nang £5 million bago ikasal kay Prince Harry noong 2018, dahil sa kanyang role bilang Rachel Zane sa Netflix drama Suits. Siya ay lumabas sa pitong serye ng Suits, at kumita ng £37,000 pet e­pisode, at ang kanyang annual salary ay £333,000.

Batay sa Guinness World Records, ang bagong Instagram account nina Prince Harry at Meghan ang “fastest-e­ver” na nagkaroon ng 1 million followers. Mula nang buksan ito noong Martes, agad pumalo sa 1 million mark sa loob lang ng anim na oras ang followers ng ro­yal couple.

Sa kanilang bagong website, ipinaliwanag nila ang “The Duke and Du­chess of Sussex take great pride in their work and are committed to conti­nuing their charitable endea­vours as well as establi­shing new ones.”

“They value the abi­lity to earn a professio­nal income, which in the current structure they are prohibited from doing. For this reason they have made the choice to become members of the Ro­yal Family with financial independence.” nakasaad pa sa website. (Dolly Cabreza)