Prince, kinilala ang kabaklaan

prince-stefan

HAVEY: Congratulations sa pelikulang I Love You. Thank You. na kinatatampukan nina Joross Gamboa, CJ Reyes at si Prince Stefan.
Nagwagi ito ng Menção Honorosa do Festival ­(Honorable Mention) sa Rio Festival de Gênero & ­Sexualidade no Cinema in Rio de Janeiro, Brazil!!

Siguro, ganu’n na lang ang feeling ng liberation sa dating Starstruck runner up na si Prince Stefan at after niyang gumanap na bading sa pelikulang ito, hindi na siya nangimi sa pagtanggap ng gay roles dahil trabaho din talaga ‘yun!

Kasama si Prince sa story conference ng bagong pelikula ng Viva Films na Working Beks along with John ‘Sweet’ Lapus, Joey Paras, Domi­nic Ochoa at Edgar Allan Guzman sa direksyon ni Chris Martinez.

Dito eh isa na namang out na beki ang role ni Prince na siguradong mabibigyan niya ng hustisya talaga tulad ng sa I Love You. Thank you.
Naalala ko pa ‘yung sinabi sa akin ni Prince pagkatapos gawin ang kanyang biggest film break, aniya, “Noong napanood ko ulit ang Suddenly It’s Magic na bakla ang role ni Joross, naisip ko baka mag-gay role ulit sa movies or soap…

“Malay natin, sa gay role na ‘yan makitaan ako ulit ng bagong break sa TV o sa movies.”
Na siya talagang nangyayari kay Prince.
At pagkatapos ng bangayan nila ni ­Keanna Reeves, heto ang sabi niya, “Since nilabas na rin naman ni Keanna na bakla ako, panindigan ko na siguro ang mga baklang roles.”

Sa social media, nagbubunyi ang mga sympathetic sa LGBTQ communities sa paglantad ni Prince sa kanyang bagong inspirasyon na kasama niya sa pagdyi-gym, pagdi-dinner at paggi­gimik.

Base sa kanyang IG posts, mukhang ipi­nakilala at aprubado din sa kanya ang magulang ng kanyang special friend na itago natin sa pangalang Paolo Amores.
Sa social media, masaya ang followers kina Prince at Paolo, at ang sabi’y bagay sila and indeed, #lovewins.

***

WALEY: Habang nasa Estados Unidos ako, malakas ang demand sa Pinoy performers dahil sabik sa entertainers ang mga kababayan natin sa ibang bansa.
At isa sa mga request sa kaibigan naming Albert Sunga na tagapagdala ng mga talent at shows abroad ay pagsamahin ang sina Xian Lim at Alden Richards.

Una naming itinanong kay Albert, aside from sikat at marunong kumanta at may mga album, bakit sila? Ano ang konek nila?
Ang sabi niya, malakas ang kilig ng dalawa, at may some kind of a tension if ever magsama sila sa isang show.

Sige na nga, matuloy naman kaya itong planong pagsamahin sina Alden at Xian sa shows abroad?
If ever, our kababayan wins kung nagkataon!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me @iamnoelferrer.