Prince William nangangaliwa kay Kate Middleton

Marami ang natatakot na baka maulit muli ang nangyari sa relasyon ni Prince Charles at Princess Diana kina Prince William at Kate Middleton.

Ayaw nila na matulad si Kate sa naging kapalaran ni Princess Diana na ipinagpalit ni Prince Charles umano kay Camilla Parker-Bowels. Bagama’t wala pang pruweba na nangangaliwa si Prince William sa kanyang asawa, hinihinala na nali-link ito sa kaibigan ni Kate na si Rose Hanbury.

Ayon sa The Blast, nagkaroon umano ng iringan sa pagitan ni Kate at ng kanyang kaibigan na si Rose.

Pero isa lamang ang sigurado, present palagi sa mga Royal event si Rose dahil kasal siya sa isang Marquees. Nagkaroon lamang ng pagdududa dahil nitong Hunyo ng 2019 ay dumalo si Rose sa isang Royal event na hindi suot ang kanyang wedding band.

Naging intriga rin ang pagtanggal ni Kate ng kamay ni Prince William sa kanyang balikat noong kinukuhaan sila ng larawan para sa Royal Christmas.

Hindi pa man ito napapatunayan, maraming umaasa na sana hindi maulit ang nangyari kay Princesa Diana kay Kate. (Ronaline Avecilla)