Princess may career sa Hollywood

Sinabi ni Princess na hindi ganoon kadaling makapasok sa Hollywood kaya kailangan doon ng well-connected agent at talent manager. Dapat ding magaling ang acting para mabigyan ka ng project.

Nagsimula umano ang lahat nang makasama si Princess sa international movie na “Yellow Rose” .Pinamahalaan ito ng Filipino-American director, producer na si Diane Paragas. Ang nasabing pelikula ay tinatampukan nina Lea Salonga, Eva Noblezada, Gustavo Gomez at iba.

Ayon kay Princess, tinanong umano siya ni Direk Diane kung bakit hindi siya nagtatrabaho bilang actor sa Amerika dahil alam niyang may mga role na babagay umano sa kanya.

Kinausap ni Princess ang kanyang American husband na si Jayson Field hinggil dito at naging supportive naman ito.

Kapag natapos na ang Covid-19 pandemic ay may sisimulang Hollywood movie project si Princess na pinamagatang “The Interviewer”.

Regine nakakolekta ng P4.2-M

Napakalaking tulong talaga ang bagong technology ngayon .

Paano kaya tayo kung walang mobile phone, walang internet, wi-fi, zoom at iba pa sa gitna ng enhanced community quarantine sa buong mundo.

Sa tulong ng digital platform ay naging posible na ang pagpapatuloy ng mga programa sa radio at telebisyon sa tulong ng Zoom.

Ginamit din ito sa pagsasagawa ng online concert from home ng iba’t ibang mga kilalang artists maging fundraising campaign.

Si Regine Velasquez ang pinaka-latest artist na nagsagawa ng online fundraising concert last Saturday. Ang proceeds ay mapupunta sa Bantay Bata 163. Naging special virtual guest ni Regine sa kanyang concert si Lea Salonga. Guest din ang kanyang eight-year-old son na si Nate Alcasid.

Ang nasabing birthday fund-raising concert ni Regine ay kumita ng mahigit P4.2-M .