Principal kinasuhan sa Ombudsman

Naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang isang librarian at teacher ng isang paaralan sa Taguig City laban sa kanilang principal bunsod ng umano’y maling ipinag-uutos nito na taliwas sa kanilang mga tungkulin.

Personal na dumulog ang mga nagrerekla­mong sina Joseph Son, librarian II, at Salome Castro, teacher supervisor ng Senator Renato Companero Cayetano High School, Taguig, laban sa kanilang pricipal na kinilalang si George P. Tizon, OIC pricipal ng naturang eskuwelahan.

Batay sa complaint-affidavit ng mga nagre­rek­lamo, may ilang utos ang kanilang principal na taliwas sa kanilang ginagampanang tungkulin gaya ng paggawa ng mga fictitious Facebook account upang siraan ang dating nakaalitan ng principal na si Dr. Isidro Aguilar ng Department of Education (DepEd).