Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang school principal matapos barilin ng hindi pa kila­lang suspek sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Emily Mallari, 39, re­sidente ng Barangay Banay-Banay, Lipa City at principal ng Alitagtag National Highschool.

Ayon sa report, bandang alas-sais ng umaga habang papasok sa trabaho si Mallari sakay ng kanyang kotse na may plakang AAK 2146 nang saba­yan ng riding-in-tandem at pagbabarilin ito pagsapit sa may Barangay Pinagtungulan, Lipa City.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima kung saan isa ang tumama sa kanyang panga na mabilis na naisugod sa ospital at ngayon ay kritikal ang kalagayan.