Principal sa CDO inaresto sa rape

Isang principal ng paa­ralan ang inaresto ng pulisya matapos akusahan ng rape ng kanyang katulong sa Cagayan de Oro City.

Iniimbestigahan kahapon ng pulisya ang nasabing principal, ngunit hindi naman ibinigay ng mga awtoridad ang pa­ngalan nito habang hindi pa tapos ang isinasa­gawang interogasyon sa kanya.

Natunton ng mga awtoridad ang suspek sa bahay nito sa Brgy. Nazareth matapos dumulog sa pulisya ang biktima at isinalaysay ang nangyaring panggagahasa sa kanya.

Nabatid na taga-Lanao del Sur ang suspek ngunit sa Cagayan de Oro naninirahan.

Hindi rin sinabi ng pulisya kung saang paa­ralan nagtuturo ang suspek at maging ang pa­ngalan ng biktima nito maliban lamang sa ito ay 19-anyos at dalaga.

Tinakot umano ng suspek ang biktima kaya humingi ito ng saklolo sa pulisya dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan.