Patay ang isang school principal habang kritikal ang mister nito nang tambangan ng ‘di nakikilalang gunmen habang pauwi sa kanilang bahay sa Lutayan,­ Sultan Kudarat.

Nagtamo ng mga tama ng punglo sa katawan ang mga biktimang sina Jelyn Sumapal at Antonio Sumapal,­ kapwa residente ng Barangay Palavilla,­ Lutayan.

Si Jelyn na school principal ng Sumapal Elementary­ School sa nabanggit ding barangay ay agad nasawi ­habang kritikal ang mister nito na isang dating opisya­l ng kanilang barangay.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame ni Supt. Barney Condes, Koronadal City police director, alas-6:30 ng gabi nang maganap ang ambush sa nabanggit ding lugar habang sakay ang mag-asawa ng kanilang owner-­type jeep nang tabihan ng isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki at walang sabi-sabing pinaputukan ng maraming beses.