Pringle tinitingala ni Bolick

Pringle tinitingala ni Bolick

Sa 3-point shootout event ng PBA All-Stars sa Calasiao, Pangasinan noong Linggo, kabyos ang huling bato ni Robert­ Bolick sa final round at nasilat kay PJ Simon.

Money ball pa ang hindi naipasok ni Bolick, tumapos ng 16 katabla si Philip Paniamogan. Naungusan sila ng 17 ni Simon.

Sa krusyal na laro nitong Miyerkoles kontra Ginebra, ibinaon ni Bolick ang 3-pointer kulang 1 minute na lang at itinakas ng NorthPort ang 100-97 panalo.

Swak ang Batang Pier sa No. 7 ng standings, nakasiguro ng slot sa quarterfinal roud ng PBA Philippine Cup.

“Itinira ko lang. Kasi sa Three-Point contest na-miss ko ‘yung last shot eh, so .. at least nakabawi naman kami,” wika ni Bolick paglabas ng dugout ng Smart Araneta Coliseum.

Tumapos siya ng 24 points, 4 for 8 mula sa labas ng arc. Pinakamalaking produksiyon ‘yun ni Bolick matapos maglista ng 26 points sa 117-91 win kontra Blackwater sa kanyang PBA debut noong Jan. 16.

Nakakapag-adjust na raw siya sa pros, laging kinakausap ni coach Pido Jarencio.

“Sinasabi niya, stay aggressive, play your game,” anang 23-anyos na guard.
Pero umangat aniya ang kumpiyansa niya sa sarili noong All-Stars, dahil nagkaroon sila ng tsansang makapag-usap nang matagal ng star teammate na si Stanley Pringle. (Vladi ­Eduarte)