Privacy ni MacMac hiniling

Nasa maayos nang kalagayan si Mark ‘MacMac’ Cardona ng NLEX matapos ma-overdose ng prescription pills nitong Linggo.

Inilagay si Cardona sa reserve list ng Road Warriors matapos abutin ng injury nang maaksidente sakay ng all-terrain vehicle ilang buwan na ang nakakaraan.

Sa isang statement, hiniling ni NLEX team manager Ronald Duletre na bigyan muna ng privacy si Cardona at pamilya niya ngayong nasa “difficult times” sila.

“Macmac is part of the NLEX Road Warriors team. We are providing whatever assistance he needs from us during this time,” ani Dulatre.

Sa interview ng radio station DZMM kahapon, sinabi ng kapatid ni MacMac na si Rowena na nag-stabilize na ang vital signs ng player na binansagang Captain Hook.

Nasa intensive care unit pa ng University of Perpetual Help Hospital sa Las Piñas si MacMac nang ma-interview si Rowena.

Sa kabilang banda, iniulat ng spin.ph na base sa pahayag ni NLEX alternate governor Rodrigo Franco ay nawalan ng malay si MacMac nang umepekto na ang ininom na pills, pero hindi raw ito na-comatose.

Under observation pa raw si Cardona, pero conscious naman, ayon pa kay Franco.

Bago ang overdose ng player, nag-file umano ang live-in partner ni MacMac na si Bianca ng reklamo sa Quezon City police dahil sa domestic violence.