Private data ng mga user, nababasa ng Xiaomi

Nata-track at nare-record umano ng Xiaomi ang mga pribadong data ng mga user nito.

Sabi sa ulat sa technology news website na Fossbytes, natitiktikan ng Xiaomi ang mga aktibidad sa cellphone ng mga user pati na mga tanong nito sa pamamagitan ng kanilang default browser na Mi Browser Pro at Mint browser.

Kahit pa raw naka-incognito mode ang user ay napapasok ng Xaomi.

Nakumpirma ito ng cybersecurity researcher na Cirlig sa mga Xiaomi phone gaya ng Mi 10, Redmi K20 at Mi MIX 3.

Hindi naman itinanggi ng Xiaomi na nangongolekta sila ng browsing data.

Pero depensa ng kumpanya, ang naipapadala sa kanilang data ay anonymized at alam daw ng mga user ang data tracking.

Itinanggi rin ng Xaomi na nasisilip nila ang mga impormasyon kahit naka-incognito mode ang user.

Sa isang video pinatunayan ng Cirlig kung paanong naipapadala sa servers ang impormasyon ng pagbisita niya sa porn website gamit ang incognito mode.

Ang Xaomi ay isang Chinese electronics company na umusbong noong 2010 at nakabase sa Beijing. (IS)