Nagpahatid ng kanilang reklamo ang ilang stakeholder at residente ng Boracay sa Inter Agency Task Force makaraang dalawang buwan lamang umano maganda ang palakad sa isla at ngayon ay balik muli ang dating problema.
Partikular na inireklamo ang mahal na singil sa pampublikong transportasyon tulad ng tricycle at renta sa bangka patawid ng isla, gayundin ang mga nagsulputang souvenir shop.
Apela pa ng mga residente, itigil na ang pagdaong ng mga cruise ship na hindi lang nagdadala ng basura dahil nagdudulot din ng pagsisikip, ito umano ang dahilan kaya lumalagpas sa carrying capacity na 6,000 ang isla.
Hiling pa nila, maging seryoso at gawing tuloy-tuloy ang ginagawang pagmo-moniĀtor at paghihigpit sa mga panuntunan dahil masasayang lamang umano ang ginawang rehabilitasyon sa isla.
Sinabi naman ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na sa kanilang isinagawang pag-aaral ay hindi naman nakakaapekto sa carrying capacity ng isla ang mga turistang sakay ng ilang cruise liner. (Tina Mendoza)