Problema sa China tampok sa NSC meeting

Pupulungin ngayon­g alas-tres ng hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Natio­nal Security Council (NSC) kung saan pangunahin sa tatalakayin ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa West Philippine Sea.

Matatandaan na ibinasura ng arbitration court ang pag-angkin ng China sa halos kabuuan ng South China Sea kabilang na ang West Philippine Sea at pinaboran ang lahat ng argument ng Pilipinas sa inihaing reklamo ng pamahalaan.

Isang collegial body ang NSC na pinamumunuan ng Pangulo at 35 lea­der-members mula sa executive at legislative branche­s kasama rin dito ang mga dating pangulo ng bansa.

Inaasahan naman na dadalo sa ipinatawag na pulong sina dating Pa­ngulong Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo na kalalaya lang mula sa hospital arrest gayundin sina Vice President Leni Robredo, Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, House Spea­ker Pantaleon Alvarez, ang majority at minority lea­ders ng dalawang kapulungan ng Kongreso at mga miyembro ng gabinete.

Ito ang ikalawang pagpupulong ng NSC sa ilalim ng administrasyong Duterte.