Bukas ang Malakanyang sa iba pang opsyon at remedyo para maplantsa ang gusot sa Energy ­Regulatory Commission (ERC) na sinasabing batbat ng korapsyon kasunod ng pagpapakamatay ng isang opisyal ng ahensya.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary for Operations and Special Concerns Marie Banaag na mayroon pa silang ibang mga kinukunsiderang opsyon patungkol sa usapin.

“We have other remedies, under the law and he is asking them to resign because of alleged corruption issues in the ERC. That’s what the President is asking. There are other remedies, investigation is one, preventive suspension,” paliwanag nito.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, aniya, ang naglatag ng ibang remedyo at mabuting antayin na lamang ang mga susunod na kaganapan pagdating ng Pangulo.