Problema sa trapik parang binabalewala

Dear Abante Tonite:

Ayon sa pag-aaral ng Asian Development Bank o ADB, mula sa 278 na bilang ng siyudad sa nag-uunlad na Asya, ang Metro Manila ay ang pinaka-congested. Ang problema sa trapiko o traffic congestion ay matagal nang hindi nasosolusyunan sa ating bansa. Kaya may nagaganap na transport crisis ngayon sa Metro Manila, na kung saan araw-araw nang nararanasan ng mga commuter ang paghihirap na dulot nito.

Ang ating bansa ay nawawalan ng P3.5 bilyon na puwedeng tumaas sa P5.4 bilyon kada araw sa taong 2035, ito ay batay sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency. Ang mga rason ay posibleng dahil sa pagkawala ng pagiging produktibo at potensyal na kita.

Madami ang nawawala dahil sa problema na ito, at patuloy na naghihirap ang mga mamamayan. Ngunit parang hindi kinikilala ng mga opisyal ang kalubhaan ng problemang ito. Binabalewala lamang ito, kaya’y walang maayos na solusyon ang naisasagawa.

Sa mga salita ni Gustavo Petro, “A developed country is not a place where the poor have cars. It’s where the rich use public transportation.”

Kenzo Eco