Dahil sa labis na problema sa kanyang nobya, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang private senior high school teacher sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Itinatago ang biktima sa pangalang Anna, 27-anyos.

Nakuha ni SPO3 Manalo ang diary sa kama ng teacher na nakasulat na magpapakamatay ito kapag hindi kinausap ng nobya.

Naniniwala naman ang mga magulang ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ng kanilang anak.