Iba’t ibang kaso ang kinakaharap ngayon ng isang security guard nang walang habas itong magpaputok ng baril dahil problemado ito sa kanyang pamilya kahapon nang madaling-araw sa Valenzuela City.
Kinasuhan ng indiscriminate firing, alarm and scandal, violation of omnibus election code at grave threat ang suspek na si Edgar Jimena, 39, security guard ng Hyper-Gramm Security Agency, naninirahan sa Block 1, Lot 13 Salambao St., Wawang Pulo ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Alex Manalo at PO3 Laude Pillejera, ng Station Investigation Unit (SIU), ala-una nang madaling-araw ay nakipag-inuman pa umano si Jimena sa stay-in worker na si Jupiter Bayucan sa loob ng barracks na binabantayan ng sekyu sa 3J Plastic Manufacruting Corporation na nakabase sa #82 M.H. Del Pilar St., Brgy. Mabolo, Valenzuela City.
“Nagulat po ako kasi biglang kinuha ni Jimena ang cal. 38 revolver tapos itinutok sa akin. Natakot nga ako eh, buti na lang sa semento nito ipinutok ang baril ng dalawang beses,” kuwento ni Bayucan.