Problemadong young actor mabigat ang kinikimkim

teen-actor

tonite-pak-allan-dionesBothered ang mga nakakakilala sa isang problematic young actor (PYA) dahil tila mabigat talaga ang mga kinikimkim nito sa kanyang dibdib.

Ayon sa isang kaibigan namin na nahingahan ni PYA ng mga saloobin nito before, kailangang makahanap ni PYA ng magaling na therapist at ng matibay na support system.

Nu’ng panahon na madalas na nakakausap ni PYA ang friend namin ay uma­yos daw ang lagay nito at natigil din ang mga pakikipag-away.

Ang sabi ng kaibigan namin, napaka-sensitive ni PYA at may mga problema na hindi nito kayang i-handle on his own.

Importante rin na meron itong laging nakakausap na napaglalabasan nito ng mga sama ng loob. At mabuti talaga kung trained therapist para magabayan ito nang tama.

Kahit nu’ng panahong madalas na nakakausap ng friend namin si PYA ay nagkaroon na siya ng takot na baka dumating sa puntong makaisip ito ng hindi maganda at saktan nito ang sarili.

Ayon sa mga nakakaunawa sa pinagdadaanan ni PYA, hindi tama na i-judge dahil kaya nga may tinatawag na mental illness.
Obviously ay kailangan daw ni PYA ng tulong dahil hindi lang simpleng kahinaan ng loob ang nararanasan nito.

Wala raw karapatang manghusga ang sinuman dahil hindi natin alam kung anong dinadala ng isang tao, kahit pa sa panlabas ay mukhang okey ang buhay o ang career nito.

Sana nga ay mapagtuunan ng kaukulang pansin ng pamilya ni PYA ang bagay na ito at huwag nilang ipagsawalang-bahala ang mental health nito.

Kelsey trending ang pagrampa sa Victoria’s Secret

Nag-trending ang Pinay model na si Kelsey Merritt sa Twitter PH nu’ng isang araw dahil sa pagrampa niya sa prestigious Victoria’s Secret Fashion Show 2018 sa New York.

Natupad ang pangarap ni Kelsey na maging bahagi ng inaabangang runway event, na dream ng mara­ming female models sa buong mundo.

Siya ang first-ever Filipino model na nakarampa sa iconic VS runway kasama ang pinakasikat na fashion models at celebrities gaya nina Gigi Hadid, Kendall Jenner, Behati Prinsloo, Candice Swanepoel at Adriana Lima, na naging emotional ang last and final runway moment.

Ang sexy ng 21-anyos na si Kelsey sa suot niyang silver top na litaw ang kanyang white bra at matching silver mini skirt.

Later on ay nagpalit siya ng mas seksing black VS underwear.

Sa December 2 ang airing ng show sa ABC network sa Amerika.

Ang yummylicious na si Shawn Mendes ang nag-perform sa pabulosang fashion event, na nagkalat ang naggagandahan at nagseseksihang modelo sa pangunguna ng VS angels.

“Soooo this just happened!!!!! Ahhhhh yesterday was a dream and it so much more than I have ever imagined!!! I can’t thank@victoriassecret enough for giving me the opportunity to walk in this year’s fashion show!!” masayang post ng gandarang dalaga sa social media.

Graduate ng Ateneo ang Pampanga-born na si Kelsey, na dito sa ‘Pinas ay kasama nina Bea Alonzo at Liza Soberano bilang model ng Kashieca.

Matagal niyang naging boyfriend ang dating model turned events organizer na si Rambo Nuñez.