Hinamon ng isang mambabatas sa Kamara si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Thomas Orbos na ipatupad nang mahigpit ang batas trapiko dahil kung magagawa ito ay 50 percent sa problemang pumipeste umano sa lahat ng uri ng mamamayan ay mareresolbahan.

Ayon kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza, hindi lang imprastraktura ang kulang kaya nararanasan ngayon ang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila sa halip ay hindi naipapatupad ang mga batas sa lansangan partikular na ang batas trapiko.

“We will remind him the essence of the whole exercise is to ensure that roads and streets, highways and thoroughfares are left for the use of the motorists. If you can effectively enforce the law, then our traffic conditions will improve by as much as 50%,” ani Atienza.

Sinabi ng kongresista na marami pa ring lansangan ang hindi madadaanan dahil ginagawa pa rin itong paradahan ng mga negosyante at mga pribadong motorista habang nagkalat pa rin ang mga iligal terminal na nagpapabagal sa pag-usad ng mga sasakyan.

Kahit aniya gumawa pa ng napakaraming kalsada ang gobyerno kung gagawing paradahan at terminal lang ito ng mga pampasaherong sasakyan ay wala ring silbi.

“That is of course with the help of the local government units (LGUs),” ani Atienza kaya dapat aniyang kausapin ni Orbos ang lahat ng Metro Manila mayors para tumulong sa pagresolba sa batas trapiko.

2 Responses