Buong ningnining na sinabi ni Jose Malvar Villegas, Jr., producer ng pelikulang “Malvar” na wala nang sumunod na Presidente na galing sa Katagalugan . Nang nakamit ang kalayaan sa kamay ng mga mananakop na Amerikano noong July 4, 1946, wala nang sumibol na Pangulo na galing sa Region 4 na sumasakop sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal.

Ito ang bahagi ng kanyang talumpati bilang guest speaker ng National Annual Assembly at 27th Foundation Day Annivesary ng Citizen Crime Watch (CCW) na idinaos sa Imus Cavite.

Si Villegas ay kilalang Manananggol ng Bayan Awardee ng Marcelo H. Del Pilar Plaridel Journalist Award.

Dagdag pa ni Villegas, apo ni Hen. Malvar na humalili kay Hen. Aguinaldo bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1900 pagkatapos nabihag siya ng pangkat ng mga Amerikano sa 1899-1902 Digmaang Pilipino-Amerikano, na marami sa naninirahan sa Katagalugan ang maikokonsiderang maging Presidente .Ito ay ang ilang leader tulad nina Gov Hemilando Mandanas ng Batangas, Gov. Jonvic Remulla ng Cavite, Sen. Pampilo Lacson ng Cavite at Mayor Isko Moreno ng Manila.

Sey pa ni Villegas imumungkahi niya ito sa Labor Party Philippines (LPP) a.k.a Workers and Peasant Party (WPS) na kung saan ay siya ang Chairman-President. Balak niya sa kanilang National Directorate Assembly sa darating na Labor Day (May 1) ay isalang sa pag-uusap ang apat (4) na leader ng katagalugan para pagpipilian bilang Kandidato ng LPP sa pagkapangulo sa susunod na halalan ng 2022.

Anyway, akma ang pino-prodyus niyang pelikula na ‘Malvar’ sa usaping ito. Ang pelikula ay tumatalakay sa buhay ng bayani na si Hen. Miguel Malvar. Nagpahayag siya na para buhayin muli ang ugat ng kalayaan at demokrasya sa Pilipinas ay dapat ipadama sa bansa na nagsimula ang Republika ng Pilipinas sa makasaysayang lalalawigan ng Cavite noong itanghal si Hen. Emilio Aguinaldo bilang kauna-unahang Pangulo nu’ng1898 .