Nakakalungkot na balita sa mundo ng news and public affairs at industriya ng entertainment. Isang magaling na journalist at direktor ang pumanaw na.
Tuluyan nang binawian ng buhay ang broadcast journalist na si Cesar Apolinario dahil sa kanyang sakit na lymphoma kahapon.
Marami ang nagulat sa biglaang pagkamatay ng journalist.
Komento ng mga netizen at kanyang mga masugid na manonood:
@Anirbas Etyahk Retanas, “Biglaan Naman po. Kelan Lang nagkita at nkasam ko pa sya sa Gawad tanglaw. Aq pa nag about NG cert at medal nya. Sabi q congratz idol. Condolence po sa Family Apolinario.”
@Emma Jaucian Hermogenes, “What a sad news. He is one of the best journalists GMA had. His sense of humor lightens the mood of the viewers despite the negative vibes of the political events.”
@Sarah Bisuña, “One of my favorite reporter, I remember him during one of his report in Yolanda aftermath, He go back to one of his interviewee (an old woman) just to grant her wish of eating mango because they don’t have any left food to eat after the typhoon. Isa sya sa mga reporter na nakakaaliw dahil sa kwela nya magreport at talagang may pusong tumulong sa tao. Rest in Peace Cesar.”
Maging ang dating movie producer na si Mike Miranda ng Double M Productions ay binawian na rin ng buhay dahil sa pagkakaputok ng kanyang main nerve.
Kilala si Mike Miranda na nagpasimula sa bad boy image ng action star na si Robin Padilla. Siya ang producer ng “Carnap King: The Randy Padilla Story”.
Ilan pa sa pelikulang na-produce niya ay “Gatas”, Inosente” at “Engkanto” ni Roderick Paulate. (Rona Ronda)