Producers, bawi na sa AlDub movie

Maine Mendoza at Alden Richards

AYON sa aming reliable source, nabawasan na ng mga sinehan ang pelikulang Imagine You and Me na nasa pangatlong linggo na.

Ang dami na kasing mga malalaking pelikulang naglabasan, kagaya ng How To Be Yours, Jason Bourne at Star Trek Beyond.

Halos 50 sinehan na lang ang naiwan para sa pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Posibleng umabot ng P200M ang kita nito. Pero mas mabuting hintayin na lang ang official statement from APT at GMA Films kung magkano talaga ang kinita ng naturang pelikula.

Pero in-assure ng aming source na malakas talaga ang Imagine You and Me at bawing-bawi na rito ang producers.

Tuluy-tuloy pa rin ang suporta ng AlDub Nation sa IYAM.