Irarampa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe patungong Russia ang ilang produktong Pinoy.
Suot ni Pangulong Duterte ang isang local brand na relo na aniya ay gawa sa Pilipinas at sapatos na gawang-Marikina.
“It’s an elegant one and I will proudly wear it as a Philippine product,” pagbibida ng Pangulo sa suot na relo sa kanyang departure speech sa Davao International Airport kahapon.
Paliwanag nito, ang suot niyang relo na ang brand ay Ibarra ay inasembol sa Pilipinas bagama’t imported ang mga parte nito.
“Everybody in government should be wearing Filipino-made (products),” paghahayag pa ng Pangulo habang ipinapakita ang relo.
Bukod sa relo ay naka-Marikina shoes din ang Pangulo na kanya aniyang gagamitin sa buong panahong nasa Russia para sa kanyang apat na araw na official visit.
Ano kaya ang products ng Russia? Wala akong makitang mga produkto nila kundi puro chemicals lang kaya nga bumagsak ang economy nila.