Sasanayin hanggang sa umabot sa international standard certified trainors ang mga coaches at kukunan ng detalye ang mga kabataan na potensyal maging atleta ng Philippine Sports Institute ng Philippine Sports Commission sa loob ng dalawang taon.
Inumpisahan ng PSI nitong Mayo 2-6 sa Puerto Princesa, itutuloy sa Vigan sa May 9-13 tampok ang siyentipikong pagsubok sa mga atleta at pagsasagawa ng kanilang profile.
“We’ll gather information in Luzon, Visayas and Mindanao and find out who will excel out of the testing and training,” wika ni PSI national training director Marc Edward Velasco.
Ayon kay PSI deputy national training director Prof. Henry Daut, makakakuha ang mga national sports associations ng mga talento mula sa komposisyon ng atletang matitipon at aalagaan ng sports institute base sa kani-kanilang mga kailangang winning profile.
Itinuturo ng coaches ang tamang performance testing sa speed, agility, vertical jump at strength para sa mga kabataang edad 8-14-anyos.
Sinusukat din ang height, weight at arm span ng mga bata para malaman ang kanilang posibleng salihang sports.