Promo girl naharangan ng sekyu sa mall sa Ilocos

Nasukol ang promo girl matapos magnakaw ng isang pares ng sapatos sa isang malaking mall sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte noong Sabado.

Kinilala ng San Nicolas Police Station (SNPS) ang suspek na si Beverly Ragaza, 29, promo girl ng isang kompanya sa Dagupan City at residente ng San Matias, Laoag City.

Ayon sa initial na imbestigasiyon ng SNPS, sa ulat ng mall security guard na si Arnel Alcantara-Agbasa, papalabas umano ang suspek sa nasabing mall nang biglang tumunog ang metal detector na nag-alarma sa bag ng suspek.

Dahil dito, agad na hinalughog ang paper bag ni Ragaza at doon natagpuan ang pares ng saldal na nagkakahalaga nang P899, ngunit walang resibo na maipakita si Ragaza.

Agad na pinaalam ni Agbasa sa security head office sa mall ang insidente at itinurn-over ang suspek sa SNPS para sa follow-up investigation. (Allan Bergonia)